#PIDSInfoBits: Sapat na ba ang kita bilang sukatan ng tunay na kalagayan ng mga pamilyang magsasaka at mangingisda?

Habang kinikilala natin ang ambag ng mga magsasaka at mangingisda sa ating hapag-kainan, mahalagang makita rin ang realidad na marami sa kanila ang kabilang pa rin sa pinakamahihirap na sektor sa bansa.

Ayon sa isang pag-aaral ng PIDS, maaaring mag-iba ang poverty incidence depende sa kung aling mga pangunahing pangangailangan ang isinasaalang-alang sa pagsukat ng kahirapan.

Halimbawa, sa mga magsasaka, tumataas ang poverty incidence mula 25 porsiyento tungong 29 porsiyento kapag mas isinasaalang-alang ang deprivation sa food-related needs tulad ng isda, karne, at manok. Sa hanay naman ng mga mangingisda, tumataas ito mula 24 porsiyento tungong 28 porsiyento.

Ipinapakita nito na mas nakikita ang kalagayan ng kahirapan kapag hindi lamang kita ang tinitingnan, kundi pati kung sapat na natutugunan ng mga pamilya ang kanilang pangunahing pangangailangan, lalo na sa pagkain.

Mahalaga ang ganitong datos sa pagdisenyo ng mas sensitibo at mas target na social protection policies para sa iba’t ibang sektor.

Maraming mukha ang kahirapan—at mas nagiging malinaw ito sa karanasan ng mga magsasaka at mangingisda.

Alamin ang mga hamon at oportunidad sa pagpapataas ng labor productivity at kalidad ng trabaho sa services industry sa pag-aaral ng PIDS na "Measuring Poverty within Filipino Households: Examining of Resource Sharing and Economies of Scale"

Main Menu

Secondary Menu