Mas magiging epektibo ba ang disaster resilience efforts kung nakaayon ang mga polisiya at interventions sa pangangailangan at sitwasyon ng bawat lugar?
 
Ayon sa isang PIDS study, ang Pilipinas ay maaaring tingnan bilang tatlong magkakaibang economic-climate systems, na hinuhubog ng ugnayan ng klima at lokal na kalagayan ng ekonomiya.
 
Geography shapes economic opportunities - Ang klima, tulad ng temperature at rainfall, ay nakaaapekto sa mga pangunahing industriya ng isang probinsya at sa kakayahan nitong pondohan ang disaster preparedness at recovery.
 
May "climate-macroeconomic trap” - Maraming mas malamig, mas maulan, at nakadepende sa agrikultura na mga probinsya ang nananatiling vulnerable dahil limitado ang kanilang pondo para makapag-invest sa disaster resilience.
 
May resilience gap – Mas may kakayahang mag-adapt ang mga urban areas, habang ang mga lugar na pinaka-exposed sa climate risks ay kadalasang may maliit na fiscal capacity.
 
Policy should follow local realities - Dahil magkakaiba ang economic at climate conditions ng bawat cluster ng mga probinsya, inirerekomenda ng pag-aaral ang cluster-based approach sa national budgeting upang mas maayos na maipamahagi ang pondo.
 
Basahin ang buong pag-aaral: https://doi.org/10.62986/dp2026.11

Main Menu

Secondary Menu