Kumusta, ka-PIDS! Narito na ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa access sa ligtas na tubig at sanitasyon.

Noong 2022, kalahati pa lang ng Philippine population ang may access sa mga ito. About two-thirds naman o karamihan sa pinakamahihirap na Pilipino ay wala pa ring access sa basic Water, Sanitation, and Hygiene (WASH) facilities.

Inirerekomenda sa pag-aaral ng PIDS ang mas maayos na imprastruktura at pamamahala sa WASH services, lalo na sa pinakamahihirap na sektor, mas matibay na suporta sa LGUs para mapabuti ang access sa malinis na tubig at sanitasyon, at mas matatag na polisiya at pondo para tuluyang maabot ang universal WASH coverage.

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: The Last-Mile Challenge: Water, Sanitation, and Hygiene (WASH) in the Philippines

Panoorin ang video rito.

Main Menu

Secondary Menu