Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa epekto ng pandemya sa mga manggagawa.
Nang ipatupad ang mga restriction sa bansa noong kasagsagan ng pandemya, pinaka-apektado ang mga manggagawa sa contact-intensive sectors (gaya ng transportasyon, entertainment, recreation, accommodation, at food services), kung saan karamihan ay mga may-edad na kalalakihan na may mababang educational attainment at middle-skill na trabaho.
Dahil dito, inirerekomenda sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies ang paglikha at pagpapatupad ng mga polisiya na makatutulong sa reskilling ng mga manggagawa at mga livelihood at training programs upang maibsan ang malawakang unemployment na dulot ng pandemya.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Effects of the COVID-19 Pandemic on Employment and Wages in the Philippines