Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa estado ng devolution sa Pilipinas.
Mahigit tatlumpung taon simula nang maisabatas ang Local Government Code (LGC) of 1991, hindi pa rin tuluyang nagagawa ng mga local government units (LGUs) ang mga devolved functions nilang nakasaad sa LGC.
Nakita sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies na hindi epektibo ang uniform devolution strategy dahil sa pagkakaiba ng mga LGUs sa performance, kapasidad, at mga pangangailangan.
Dahil dito, inirerekomenda ng nasabing pag-aaral na isaalang-alang ng pamahaalan ang pagkakaiba-iba ng mga LGUs upang mabigyan sila ng karampatang tulong para makaya ang full devolution sa ilalim ng pagpapatupad ng Mandanas-Garcia Supreme Court ruling.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Baseline Study on the State of Devolution in the (Pre-Mandanas) Philippines