Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo ukol sa freelance at platform work sa Pilipinas.
Ayon sa isang pag-aaral ng PIDS, halos walang proteksyon mula sa scams ang mga freelancers. Sila ay maaring maging biktima ng mga fraudulent job offers at misinformation.
Dahil dito, mahalagang maipatupad ang Freelance Workers Protection Act (House Bill 8817) upang maisulong ang mga karapatan at naaayong proteksyon para sa mga freelancers, gayundin upang maitaguyod ang imahe ng freelancing bilang isang lehitimong hanapbuhay.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “DigitALL for Her: Futurecasting Platform Work for Women in Rural Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/digitall-for-her-futurecasting-platform-work-for-women-in-rural-philippines