Kumusta, ka-PIDS! Narito na ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa pagkakaroon ng sariling bahay.
Ayon sa pag-aaral ng PIDS, marami pa rin ang nangangarap na magkaroon ng disenteng tirahan, ngunit maraming Pilipino ang nahaharap sa housing affordability crisis dahil sa mas mabilis na pagtaas ng presyo ng pabahay kaysa sa kita ng mga tao.
Ang 30% income standard ay karaniwang pamantayan na nagsasaad na hindi hihigit sa 30% ng buwanang kita ang dapat nilalaan sa pabahay. Kasama rito ang upa o bayad sa mortgage, buwis sa ari-arian, at bayarin sa mga utility.
Kung ang isang sambahayan ay naglalaan ng higit sa 30% ng kanilang kita para sa pabahay, itinuturing itong “cost-burdened,” na nangangahulugang maaaring kulangin na ang kanilang kita para sa iba pang mahahalagang pangangailangan tulad ng pagkain, pangangalagang pangkalusugan, transportasyon, at ipon.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Measuring Housing Affordability in the Philippines
Panoorin ang video rito.