Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa kahalagahan ng karampatang budget para sa research and development.

Upang maisakatuparan ang twin transition (digitalization + green transition), kailangang pagtuunan ng pansin ng mga bansa ang agham, teknolohiya, at inobasyon, kabilang ang research and development (R&D).

Ayon sa UNESCO, sa kabila ng pagtaas ng R&D expenditure sa buong mundo, nasa 80 porsyento pa rin ang mga bansang may R&D investments na mas mababa pa sa 1 porsyento ng kanilang gross domestic product o GDP.

Ngayong Setyembre, ating ipinagdiriwang ang 21st Development Policy Research Month na may temang "Maging Makakalikasan at Digital Para sa Higit na Matatag, Ingklusibo, at Masaganang Kinabukasan Para sa Lahat".

Bisitahin ang https://dprm.pids.gov.ph/ para sa karagdagang impormasyon.

#DPRM2023GreenDigitalPH
#DPRM2023GoGreenAndDigital
#DPRM2023TwinTransitionPHJourney

Main Menu

Secondary Menu