Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa Pilipinas upang maging self-reliant.
Ayon sa isang pag-aaral ng PIDS, malaking bahagi ng pagiging self-reliant ng isang local government unit (LGU) ang kakayahan nitong makapag-generate ng income na sasapat sa kailangang pagkagastusan nito, lalung-lalo na para sa mga pampublikong programa at serbisyo.
Dahil dito, inirerekomenda na suriing mabuti ang mga pamantayan sa pagtatayo ng mga LGU at itaas ang minimum requirements sa pagko-convert ng mga munisipalidad upang maging siyudad.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “An Assessment of the Criteria Used in the Determination of Philippine LGU Fiscal Viability” sa link na ito: https://www.pids.gov.ph/publication/discussion-papers/an-assessment-of-the-criteria-used-in-the-determination-of-philippine-lgu-fiscal-viability