Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa kalidad ng pagkaing pampasyente sa mga pampublikong ospital sa Pilipinas.
Ayon sa isang pag-aaral ng PIDS sa mga pampublikong ospital sa Pilipinas, 37% ng mga ospital ay walang standardized recipe ng mga pagkaing ibinibigay sa mga pasyente. Ibig sabihin, walang pamantayan sa porsyon ng mga sangkap. Dahil dito, maaaring sobra o kulang ang mga sangkap na napupunta sa bawat inihahandang pagkain para sa mga pasyente.
Inirerekomenda na mas higpitan ng Department of Health ang pagpapatupad ng pamantayang recipe para sa mga pagkaing pampasyente sa lahat ng mga pampublikong ospital.
Basahin ang pag-aaral na pinamagatang “An Assessment of the Quality of Inpatient Meals and Nutrition and Dietetics Processes in Select Public Hospitals in the Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/an-assessment-of-the-quality-of-inpatient-meals-and-nutrition-and-dietetics-processes-in-select-public-hospitals-in-the-philippines