Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa kasalukuyang lagay at hinaharap ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon sa 2021 Family Income and Expenditure Survey, may pagkakaiba ang epekto ng pandemya sa iba’t-ibang rehiyon at income deciles sa bansa.
Bagamat bumaba ang kita sa lahat ng income deciles, ang pinakamatinding naapektuhan ay ang mga pamilya sa urban locations gaya ng National Capital Region, Central Visayas, at CALABARZON; bumaba ang kanilang income ng -9.23, -7.53, at -6.2 na porsyento, ayon sa datos.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Macroeconomic Prospects of the Philippines in 2022–2023: Steering through Global Headwinds” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/macroeconomic-prospects-of-the-philippines-in-2022-2023-steering-through-global-headwinds