Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa mga implikasyon ng pag-aalis ng open-pit mining ban sa Pilipinas.
Sa PHP 11.3 bilyon na kita ng pamahalaan mula sa pagmimina ng metal, PHP 3.4 bilyon o 30 porsyento ang mula sa open-pit mining operations o ang diretsong pagmimina ng minerals sa ground surface.
Sa kabila ng economic contribution nito, mahalagang tutukan ang mga isyu sa pagmimina ukol sa mga epekto nito sa kapaligiran at sa kalusugan at kaligtasan ng mga komunidad na nakatira sa paligid ng mga minahan, kabilang ang mga indigenous peoples.
Inirerekomenda sa isang pag-aaral ng PIDS na magtaguyod ng mga sustainability indicators na malinaw at masusukat. Mahalaga rin na magtatag ng mga monitoring and evalutation platforms na mahigpit na natutukuan ng pamahalaan. Nararapat din na magsagawa ng kumpletong benefit-cost analysis sa bawat mining project na iminumungkahi at sapat na konsultasyon sa mga komunidad.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Implications of Lifting the Open-Pit Mining Ban in the Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/implications-of-lifting-the-open-pit-mining-ban-in-the-philippines