Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa Pilipinas.
Tinukoy sa isang pag-aaral ng PIDS na sa rehiyon ng ASEAN, ang Pilipinas ang may pangatlong pinakamababang bilang ng MSMEs sa kada isang-libong tao.
Bagamat nagbibigay na ng tulong pinansyal at teknikal ang pamahalaan para sa mga MSMEs, inirerekomenda sa pag-aaral ang pagpapalawig pa ng mga nasabing suporta, upang magbigay-daan sa mas mataas na value-added output at mas maraming trabaho. Gaya ng mga malalaking negosyo, malaki ang naiaambag ng mga MSMEs sa ekonomiya ng bansa.
Basahin ang pag-aaral na pinamagatang “How Does the Philippines Fare in Meeting the ASEAN Economic Community Vision 2025?” sa link na ito: https://pidswebs.pids.gov.ph/CDN/PUBLICATIONS/pidsrp2201.pdf