Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo kaugnay ng pagdaraos ng Development Policy Research Month (DPRM) 2022 na nakasentro sa temang “#AlisinAngAgwat: Pabilisin ang Pag-ahon Mula sa Pandemya sa Pamamagitan ng Katarungang Panlipunan”.
Nakita sa isang pag-aaral ng PIDS na malaki pa rin ang out-of-pocket spending (OOP) ng mga Pilipino para sa mga serbisyong pangkalusugan.
Isinusulong ng World Health Organization (WHO) na maalis ang OOP spending dahil ito ang nagtutulak sa mga tao, lalo na sa mga mahihirap, upang hindi tumangkilik ng mga serbisyong pangkalusugan.
Isang makatarungang lipunan ang kinakailangan sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya, gayundin upang maabot ang pagkakapantay-pantay sa pagkamit ng mga serbisyong pangkalusugan.
Mahalaga ang malawakan at de-kalidad na pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) upang mabawasan ang OOP spending at mahikayat ang taumbayan na tangkilikin ang mga serbisyong pangkalusugan.
Ang #PIDSFactFriday DPRM 2022 Edition ay halaw sa isang paparating na pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Close the Gap: Accelerating Post-pandemic Recovery through Social Justice”.
#DPRM2022CloseTheGap
#DPRM2022AcceleratePostPandemicRecoveryThroughSocialJustice
#DPRM2022AlisinAngAgwat
#DPRM2022KatarungangPanlipunan