Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa pangmatagalang epekto ng K-12.
Mayroong intergenerational effects ang implementasyon ng K-12, lalo na para sa mga kababaihan.
Gamit ang datos mula sa National Demographic and Health Survey, nakita sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies na mas nade-delay ang pagpapakasal at pagbubuntis ng mga kababaihang dumaan sa senior high school. Dagdag pa rito, mas malusog din ang kanilang mga nagiging anak.
Nangangahulungan ito ng magandang epekto ng K-12 sa estado ng mga kababaihan at kalusugan ng kanilang mga supling.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Senior High School: What Do Additional Years of Basic Education Schooling Buy?