Kumusta, ka-PIDS! Narito na ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa PhilHealth population coverage at Universal Health Care.

Ayon sa pag-aaral ng PIDS, ang mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ay ang may pinakamababang saklaw ng PhilHealth coverage na 52% pababa. Dahil sa kakulangan ng PhilHealth coverage, marami ang napipilitang magbayad mula sa sariling bulsa para sa pagpapagamot.

Para maresolba ito, inirekomenda ng PIDS ang mas mahigpit na pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Act sa pamamagitan ng mas mabilis at awtomatikong pagpaparehistro sa PhilHealth lalo na sa mga mahihirap na lugar, malawakang information campaign upang ipaalam sa mga Pilipino ang kanilang benepisyo at kung paano ito makukuha, mas madaling proseso ng pag-claim at reimbursement, at pagpapalakas ng pondo at suporta sa mga pampublikong ospital.

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Spatiotemporal Analysis of Health Service Coverage in the Philippines

Panoorin ang video rito.

Main Menu

Secondary Menu