Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo kaugnay ng pagdaraos ng Development Policy Research Month (DPRM) 2022 na nakasentro sa temang “#AlisinAngAgwat: Pabilisin ang Pag-ahon Mula sa Pandemya sa Pamamagitan ng Katarungang Panlipunan”.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), sa bilang ng mga batang Pilipinong wala pang isang taong gulang, mas mataas ng limang beses ang posibilidad ng kamatayan ng mga batang mula sa mahihirap ng pamilya.

Upang matugunan ang suliranin na ito, dapat na ipaglayon ng bansa ang de-kalidad na mga serbisyong pangkalusugan na laan sa bawat Pilipino. Mahalaga na mapalawak ang saklaw ng mga nakatatanggap ng serbisyong pangkalusugan, bawasan ang out-of-pocket spending, at magbigay ng mga komprehensibong benepisyo, lalo na para sa primary health care.

Ang #PIDSFactFriday DPRM 2022 Edition ay halaw sa isang paparating na pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Close the Gap: Accelerating Post-pandemic Recovery through Social Justice”.

#DPRM2022CloseTheGap
#DPRM2022AcceleratePostPandemicRecoveryThroughSocialJustice
#DPRM2022AlisinAngAgwat
#DPRM2022KatarungangPanlipunan

Main Menu

Secondary Menu