Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa partisipasyon ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP.
Bukod sa mga materyal na produkto, may benepisyo rin ang partisipasyon ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) para sa skilled laborers ng bansa.
Sa kabila nito, kailangang maging handa ang gobyerno upang tugunan ang mga pagsubok na maaaring harapin ng ating skilled laborers, gaya ng kompetisyon at mga domestic regulations.
Ilan sa mga rekomendasyon sa pag-aaral ay ang mga sumusunod: pagpapaigting ng ugnayan sa mga bansang tumatangkilig sa serbisyo ng mga Pilipinong propesyonal; pag-i-invest sa kaalaman sa pamamagitan ng research and development; at pagpapalawig ng mga programa ukol sa continuing professional development (CPD).
Basahin ang pag-aaral na pinamagatang “Opportunities for the Philippines under RCEP: Trade in Services” sa link na ito: https://pidswebs.pids.gov.ph/CDN/PUBLICATIONS/pidsdps2202.pdf