Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo ukol sa saklaw ng pagbabakuna sa Pilipinas.
Ayon sa resulta ng 2017 National Demographic and Health Survey, mas maraming bata mula sa mga mahihirap na pamilya ang walang vaccination coverage.
Lumabas sa survey na may kaugnayan ang kahirapan sa vaccination coverage. Sa mga mahihirap na pamilya (bottom 60%), 60 porsyento lamang ang mayroong vaccination coverage, kumpara sa 75 porsyento ng mga maykayang mga pamilya (top 40%).
Basahin ang lathalaing pinamagatang “An Assessment of the Expanded Program on Immunization (EPI) in the Philippines: Supply-side Challenges and Ways Forward” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/research-paper-series/an-assessment-of-the-expanded-program-on-immunization-epi-in-the-philippines-challenges-and-ways-forward