#PIDSInfoBits: Alam niyo na ba bagama't dumadami ang mga bagong fintech companies na inilulunsad sa Pilipinas, ang bilang na ito ay unti-unting bumababa?
Base sa datos noong 2010 hanggang 2018, ang tugatog ng pagtaas ng bilang ng mga bagong kumpanya ay noong 2014. Ngunit simula 2015, makikita ang unti-unting pagbaba ng bilang ng mga inilulunsad na fintech companies. Gayunpaman, mula 2016 hanggang 2018, patuloy na umakyat ang investment rate sa kabila ng nasabing pagbaba.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Analysis of the Fintech Landscape in the Philippines