#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na mababa pa rin ang bilang ng mga manggagawang may green skills?
Ang green skills ay tumutukoy sa mga kaalaman, abilidad, at pananaw ng kinakailangan upang masuportahan ang isang sustainable at resource-efficient na lipunan.
Kaugnay nito, mahalagang bigyang-pansin ang pagsasanay ng mga manggagawang Pilipino sa green skills. Kailangan din ang pag-update ng kurikulum sa mga paaralan at training institutions ng bansa upang maisama ang green skills at mas maging handa ang mga nagsisipagtapos sa hamon ng makabagong panahon.
Ang mga ito ay dapat pag-aralan at tutukan ng pamahalaan, pribadong sektor, at akademya upang mapalakas ang labor sector ng bansa tungo sa pagkamit ng green transition.
Ngayong Setyembre, ating ipinagdiriwang ang 21st Development Policy Research Month na may temang "Maging Makakalikasan at Digital Para sa Higit na Matatag, Ingklusibo, at Masaganang Kinabukasan Para sa Lahat". Bisitahin ang https://dprm.pids.gov.ph/ para sa karagdagang impormasyon.
#DPRM2023GreenDigitalPH
#DPRM2023GoGreenAndDigital
#DPRM2023TwinTransitionPHJourney