#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na malaki ang ibinaba ng coverage ng PhilHealth sa mga hospital expenses?
Ayon sa pag-aaral ng PIDS, ang mga gastusing na-cover ng PhilHealth sa mga pribadong ospital ay bumaba sa 32 na porsyento noong 2020, mula sa 59 na porsyento noong 2015. Sa mga pampublikong pasilidad naman, bumaba ang bilang sa 15 na porsyento noong 2020, mula sa 43% noong 2015.
Maiuugnay ito sa patuloy na pagtaas ng hospital expenses, na hindi masabayan ng PhilHealth reimbursements.
Alamin ang kalagayan ng financial health ng ilang mga ospital sa bansa at ang gampanin ng PhilHealth sa pagbabayad para sa mga health services sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang: “The Financial Health of Select Philippine Hospitals and the Role of the Philippine Health Insurance Corporation as the National Strategic Purchaser of Health Services” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/the-financial-health-of-select-philippine-hospitals-and-the-role-of-the-philippine-health-insurance-corporation-as-the-national-strategic-purchaser-of-health-services