#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na binibigyang-diin sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 ang mga istratehiyang makakatulong sa pagkamit ng digitalization at green transition (twin transition)?
 
Kabilang sa mga istratehiyang ito ay ang modernisasyon ng pagsasaka, paggamit ng green technologies at pagtatayo ng mga pasilidad para sa waste recovery at recycling, paggamit ng makakalikasang modelo ng mga gusali at pabahay, at pagsasabay ng mga mag-aaral at manggagawa sa green skills.
 
Ang pagpapatupad ng twin transition sa bansa ay mahalaga upang makamit ng Pilipinas ang 2030 Sustainable Development Goals at isang matatag, maginhawa, at panatag na buhay (AmBisyon Natin 2040).
 
Ngayong Setyembre, ating ipinagdiriwang ang 21st Development Policy Research Month na may temang "Maging Makakalikasan at Digital Para sa Higit na Matatag, Ingklusibo, at Masaganang Kinabukasan Para sa Lahat". Bisitahin ang https://dprm.pids.gov.ph/ para sa karagdagang impormasyon.

Main Menu

Secondary Menu