#PIDSInfoBits DPRM 2022 Edition: Alam niyo ba na malaking panganib sa kalusugan ang kinakaharap ng mga informal settlers sa panahon ng sakuna?

Base sa pag-aaral nina Singh & Gadgil (2017) ng World Bank, tinatayang 1.5 na milyong pamilyang Pilipino, kung saan 40 na porsyento ang nasa Kalakhang Maynila, ay mga informal settlers, na kumakaharap sa mga isyu ng overcrowding at limitadong sanitation facilities at pagkukuhaan ng malinis na tubig.

Ang ganitong pamumuhay ay balakid sa pangangalaga ng kanilang kalusugan, na maaaring magdulot ng pagkalat ng mga sakit. Gayundin, malaking panganib sa kalusugan nila ang mga sakuna, gaya ng lindol at pagbaha.

Ang #PIDSInfoBits DPRM 2022 Edition ay halaw sa paparating na pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Close the Gap: Accelerating Post-pandemic Recovery through Social Justice”.

#DPRM2022CloseTheGap
#DPRM2022AcceleratePostPandemicRecoveryThroughSocialJustice
#DPRM2022AlisinAngAgwat
#DPRM2022KatarungangPanlipunan

Main Menu

Secondary Menu