#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na umakyat sa 46 porsyento noong 2020 ang paggastos ng pamahalaan para sa pampublikong kalusugan (public health)* mula sa 40 porsyento noong mga nakaraang taon?
Ito ay dahil sa matinding pangangailangang pangkalusugan ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Malaki ang kaugnayan ng mataas na public health spending sa mataas na productivity ng sektor ng paggawa. Dahil dito, may krisis man o wala, mahalagang pagtuunan ng pamahalaan ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Act, hindi lamang bilang parte ng health sector, kundi bilang mahalagang bahagi ng pagpapasigla ng economic productivity ng bansa.
*Datos mula sa World Health Organization
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Public Health and Labor Policy