#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na mababa ang partisipasyon ng mga batang edad 3-4 sa mga prekindergarten programs sa mga pribado at pampublikong paaralan?
Ito ay nakita sa lahat ng income groups, kabilang ang mga mula sa maykayang pamilya.
Kung titingnan naman ayon sa rehiyon, makikita ang pagkakaiba sa preschool attendance: mas mataas ang bilang na ito sa National Capital Region (Metro Manila), Region VII (Central Visayas), at Region IV-A (CALABARZON), kumpara sa mababang bilang na nakita sa Region XI (Davao Region) at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Pinagmulan: Annual Poverty Indicators Survey 2019.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Starting Strong: Why Early Childhood Care and Development Matters in the Philippines