#PIDSInfoBits: Alam niyo ba kung anong wika ang pinakaginagamit sa pagtuturo (Medium of instruction)?
Ipinakita ng isang pag-aaral ng PIDS na ang Tagalog ay kinilala bilang pangunahing wika ng 6,102 paaralan (32%), na sinundan ng Cebuano sa 4,556 paaralan (24%), at Iloko sa 1,996 paaralan (11%). Bukod dito, habang karamihan sa mga paaralan (82%) ay gumagamit ng isang wika lamang sa pagtuturo, may ilan na gumagamit ng hanggang limang wika.
Ang pagkakaiba-iba ng wika sa loob ng silid-aralan ay isang hamon sa pagpapatupad ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-LE) na nagpapanukala na ang kinakasanayang wika ng bata ang gagamitin sa pagtuturo hanggang Grade 3.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: 'Starting Where the Children Are': Process Evaluation of the Mother Tongue-Based Multilingual Education Program Implementation