Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa artificial intelligence.
Ang artificial intelligence (AI) ay tumutukoy sa paggaya or pag-simulate ng katalinuhan ng tao (human intelligence) gamit ang mga nakaprogramang makina.
Ang paglaganap at pag-unlad ng AI ay may kaakibat na magaganda at 'di kaaya-ayang epekto. Sa isang banda, makatutulong ito sa pagpapagaan ng trabaho ng mga manggagawa nang hindi nakokompromiso ang kalidad nito. May mga bagong trabaho rin na malilikha dahil sa AI. Gayunpaman, dala rin nito ang banta na mapalitan ng AI ang mga manggagawa.
Upang maibsan ang mga negatibong epekto ng AI at magamit ito sa kabutihan ng lahat, mahalagang magtulungan ang pamahalaan, akademya, at business sector sa pag-aaral nito at makalikha ng polisiya ukol sa AI na pabor sa bawat Pilipino.
Ngayong Setyembre, ating ipinagdiriwang ang 21st Development Policy Research Month na may temang "Maging Makakalikasan at Digital Para sa Higit na Matatag, Ingklusibo, at Masaganang Kinabukasan Para sa Lahat".
Bisitahin ang https://dprm.pids.gov.ph/ para sa karagdagang impormasyon.