Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa digitalization sa bansa.
Bumilis ang digitalization sa Pilipinas dahil kaakibat nito ang Fourth Industrial Revolution at ang lawig ng information and communications technology (ICT) advancements sa bansa. May epekto rin ang COVID-19 pandemic sa pag-igting ng e-commerce at e-payments.
Sa kabila nito, marami pa ring kailangang ayusin upang mas mapabilis ang digitalization sa Pilipinas. Ilan dito ay ang pagpapaunlad ng imprastraktura ng ICT sa bansa, pagpapababa ng presyo ng ICT services upang mas maging abot-kaya ito sa lahat, at pagpapabuti ng kakayanan ng mga Pilipino sa paggamit ng ICT tools, kasama na ang pagsasanay sa digital skills.
Ngayong Setyembre, ating ipinagdiriwang ang 21st Development Policy Research Month na may temang "Maging Makakalikasan at Digital Para sa Higit na Matatag, Ingklusibo, at Masaganang Kinabukasan Para sa Lahat". Bisitahin ang https://dprm.pids.gov.ph/ para sa karagdagang impormasyon.