Kumusta, ka-PIDS! Narito na ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa epekto ng sabay na sakuna at sigalot sa mga kababaihan.
Sa pagsusuri ng PIDS, parehong kinikilala ng National Action Plan on Women, Peace, and Security at ng National Disaster Risk Reduction and Management Plan ang pangangailangan ng kababaihan.
Bagaman magkaiba ang pokus nila--isa sa sigalot at isa sa sakuna, mas magiging epektibo kung pagsasamahin ang kanilang mga estratehiya, gaya ng mas aktibong pagsasama ng kababaihan sa disaster recovery plans.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Bridging Resilience: Women at the Crossroads of Peace, Security, and Disaster Risk Management in the Philippines
Panoorin ang video rito.