Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa estado ng edukasyon sa Pilipinas.
Ayon sa isang pag-aaral ng PIDS, makikita sa mga resulta ng international large-scale assessments sa edukasyon na kasalukuyang may learning crisis sa Pilipinas.
Base sa resulta ng Program for International Student Assessment (PISA) noong Disyembre 2019, sa 79 na bansang lumahok, panghuli ang Pilipinas sa pagbabasa at pangalawa sa huli sa mathematics at science.
Ilan sa mga rekomendasyon ay ang pagpapaigting ng pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon, paglalaan ng systematic remedial programs sa mga estudyanteng napag-iiwanan, at pagtutok sa early childhood development, bago pa man pumasok sa eskuwelahan ang mga bata.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Philippine Education: Situationer, Challenges, and Ways Forward” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/philippine-education-situationer-challenges-and-ways-forward