Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa kahirapan sa bansa.
Kumpara sa mga may-kaya, mas maraming mahihirap ang may malaking pamilya. Maaari itong maiugnay sa reproductive health needs nila na hindi natutugunan.
Ayon sa 2017 National Demographic and Health Survey, 13.6 na porsyento ng mga kababaihan mula sa mga pinakamahihirap na pamilya ang hindi natutugunan ang pangangailangan ukol sa family planning.
Dahil dito, inuudyok ang pamahalaan na mas paigtingin ang access ng mga mahihirap sa reproductive health services.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Is eradicating poverty in the Philippines by 2030 doable?” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/policy-notes/is-eradicating-poverty-in-the-philippines-by-2030-doable