Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa mga epekto ng open-pit mining sa Pilipinas.
Sa mga lokal na pamahalaan, napupunta ang karamihan ng nakokolektang pondo mula sa extractive industries sa general public services at economic services.
Ang extractive industries ay ang pagkuha ng mga raw materials mula sa lupa gaya ng langis, coal, metal, at ibang pang mga mineral.
Sa isang pag-aaral ng PIDS, iminumungkahi na maglaan din ng bahagi ng nakokolektang pondo para sa disaster risk reduction and management upang matugunan ang mga posibleng panganib mula sa pagmimina.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Implications of Lifting the Open-Pit Mining Ban in the Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/implications-of-lifting-the-open-pit-mining-ban-in-the-philippines