Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa mga naging epekto ng pandemya sa Pilipinas.
Bagamat lahat ng Pilipino ay nahirapan sa healthcare access noong kasagsagan ng pandemya, pinakamatindi ito para mga mahihirap at vulnerable sectors ng lipunan.
Halos 40 porsyento ng mga pinakamahirap na Pilipino ang hindi natugunan ang kanilang mga pangangailangang pangkalusugan, kumpara sa 16 na porsyento ng mga pinaka-maykaya. Matindi rin ang naging epekto nito sa mga kabataan at kababaihan.
Inirerekomenda sa isang pag-aaral ng PIDS na i-angkla sa konsepto ng social justice ang mga programa at polisiyang nakatuon sa pagbangon mula sa pandemya upang mabigyan ng karampatang atensyon at pagpapahalaga ang mga nasa laylayan ng lipunan.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Close the Gap: Accelerating Post-pandemic Recovery through Social Justice” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/close-the-gap-accelerating-post-pandemic-recovery-through-social-justice