Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo ukol sa obesity prevalence sa Pilipinas.
Ayon sa DOST-Food and Nutrition Research Institute, patuloy na tumataas ang obesity prevalence sa Pilipinas, lalo na sa mga edad 20 at pataas; pumalo ito sa 40 porsyento noong 2018. Dahil isa ang obesity sa mga leading causes ng diabetes, magiging sanhi ito ng mga dagdag gastusin na magdadala ng mas maraming tao sa kahirapan.
Mahalagang magtulungan ang pamahalaan, media, at mga civil society organizations upang mapalaganap ang mga kampanya para sa nutrition education at healthy diet. Gayundin, mahalagang maisulong ang pagpapababa ng presyo ng mga masusustansyang pagkain.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Is Food Supply Accessible, Affordable, and Stable? The State of Food Security in the Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/is-food-supply-accessible-affordable-and-stable-the-state-of-food-security-in-the-philippines