Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa online o platform work para sa mga Pilipinong nasa kanayunan.
Isa sa mga pangunahing pagsubok sa pagdadala ng platform work sa mga rural areas ay ang kawalan ng (o mabagal na) internet access sa kanayunan.
Bagamat may ilang mga hakbang nang ginagawa upang matugunan ito, inirerekomenda sa isang pag-aaral ng PIDS na mas paigtingin at pabilisin pa ang pagpapatupad ng Free Internet Access in Public Places Act (Republic Act No. 10929). Gayundin, inuudyok na i-adopt ang Rural Wired Connectivity Act (Senate Bill 2131) upang malunasan ang connectivity gap sa kanayunan.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “DigitALL for Her: Futurecasting Platform Work for Women in Rural Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/digitall-for-her-futurecasting-platform-work-for-women-in-rural-philippines