#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na sa ilalim ng Republic Act 10929, mayroon nang 4,575 live sites sa bansa na nakapagbibigay ng libreng internet access?
Ang mga live sites na ito ay matatagpuan sa 75 probinsya at sa ilang bahagi ng Kalakhang Maynila.
Ngayong 2023, nilalayon ng Department of Information and Communications Technology na magtayo pa ng karagdagang 9,762 live sites sa mga pampublikong lugar at 162 sa mga state universities and colleges, na pinaglaanan ng PHP 2.5 bilyon na budget.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Critical Issues in the Philippine Digital Economy