Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa paggamit ng mga bakawan laban sa pagbabago ng klima.
Bukod sa gamit ng bakawan bilang natural barrier laban sa mga sakuna, napag-alaman sa isang pag-aaral na inilabas ng PIDS tungkol sa Bued Mangrove Forest na malaki ang kakayahan nito na makapag-alis ng carbon sa kapaligiran.
Upang buong makamit ang potensyal ng mga bakawan sa pagpigil ng climate change, inirerekomenda na gawing marine-protected area ang mga mangrove forests upang maprotektahan ang mga ito mula sa mga epekto ng gawaing-tao. Dapat ring bigyan ng insentibo ang mga kumikilos upang pangalagaan ang mga bakawan.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Mitigating Climate Change Through Mangrove Forest” sa link na ito: https://pidswebs.pids.gov.ph/CDN/PUBLICATIONS/pidspn2008.pdf