#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na noong tumama ang pandemya, sangkapat ng mga manggagawa sa Pilipinas ay nasa sektor pang-agrikultura?
Simula noong 1990s, ang bahagi ng sektor pang-agrikultura sa kabuuang bilang ng mga manggagawa ay patuloy na bumababa. Binago ito ng pandemya noong 2020 kung saan maraming manggagawa ang lumikas mula sa syudad at nakakuha ng trabaho sa sektor pang-agrikultura. Sa kabila nito, nahuhuli pa rin ang sektor na ito sa kabuuang kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas.
Alamin ang kalagayan ng sektor pang-agrikultura ng Pilipinas sa isang lathalain ng PIDS na pinamagatang “Philippine Agriculture: Current State, Challenges, and Ways Forward” sa link na ito: https://pidswebs.pids.gov.ph/CDN/PUBLICATIONS/pidspn2112.pdf