#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na mas madalas makaranas ng interruption sa supply ng kuryente ang mga electric cooperatives (ECs) sa Luzon kaysa sa Visayas at Mindanao?
Base sa System Average Interruption Frequency Index (SAIFI) noong 2021, makikitang 6.6 na beses nakaranas ng interruption ang mga ECs sa Luzon, mas mataas sa Visayas (5.4 na beses) at Mindanao (4.1 na beses).
Malaking dahilan ng mga power supply interruptions sa mga ECs ang mga environmental factors, lalung-lalo na ang pagiging typhoon-prone ng Pilipinas, technical-related issues at kakulangan ng power supply.
Alamin ang kalagayan ng mga isyu ukol sa supply ng kuryente sa Pilipinas sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Electricity Supply Interruptions in the Philippines: Characteristics, Trends, Causes” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/electricity-supply-interruptions-in-the-philippines-characteristics-trends-causes