#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na noong unang tatlong buwan ng lockdown, pinakamataas ang food insecurity sa Pilipinas?
Ito rin ang panahon kung saan pinakamahigpit ang mga quarantine measures. Nakita sa isang pag-aaral ng PIDS na noong Abril 2020, nasa 70 porsyento ng mga household respondents ang nagsabing nakaranas silang mag-alala tungkol sa pagkain.
Dagdag pa rito, 56.3 na porsyento ang nagsabing nakaranas sila ng mga pagsubok sa food accessibility dahil sa mga sumusunod: (1) kawalan ng pambili, (2) wala o limitadong pampublikong transportasyon, (3) kawalan ng trabaho, (4) limitadong mapagbibilhan ng pagkain, at (5) kawalan ng maaasahan upang bumili ng pagkain.
Alamin ang kalagayan ng food security sa bansa sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Is Food Supply Accessible, Affordable, and Stable? The State of Food Security in the Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/is-food-supply-accessible-affordable-and-stable-the-state-of-food-security-in-the-philippines