#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na maliit na porsyento lamang ng bilang ng mga pamilyang Pilipino ang nakakatugon sa energy at nutritional requirements (maliban sa niacin at protein)?
Bagamat mataas kumonsumo ang mga Pilipino ng starchy foods gaya ng kanin, 30 porsyento lamang ng mga kabahayan ang nakakakuha ng kumpletong recommended energy intake (REI) noong 2015, na lalong bumaba noong 2018-2019.
Alamin ang kalagayan ng food security sa bansa sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Is Food Supply Accessible, Affordable, and Stable? The State of Food Security in the Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/is-food-supply-accessible-affordable-and-stable-the-state-of-food-security-in-the-philippines