#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na bagamat 12 sa 17 na rehiyon ng Pilipinas ang nagpakita ng pag-angat ng GDP per capita, patuloy pa rin ang paglaganap ng pagkabansot sa bansa?
Base sa datos mula sa World Bank (2018) at Philippine Statistics Authority (2018), may kinalaman ang pagbaba ng prevalence ng pagkabansot habang tumataas ang GDP per capita ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
Gayunpaman, hindi ito nakikita sa Pilipinas. Bagaman at tumataas ang GDP per capita ng 3 hanggang 4 na porsyento kada taon, 0 hanggang 1 porsyento lamang ang ibinaba ng stunting prevalence. Halimbawa, nananatiling mataas ang stunting rate sa Metro Manila (NCR) gayong isa itong highly urbanized area.
Alamin ang kaugnayan ng kahirapan at ng pagkabansot sa bansa sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “The Determinants of the Socioeconomic Inequality and the Trajectory of Child Stunting in the Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/the-determinants-of-the-socioeconomic-inequality-and-the-trajectory-of-child-stunting-in-the-philippines