#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na malaki ang itinaas ng consumer prices noong ikalawa at ikatlong quarter ng 2022?
Umakyat ang inflation rate mula sa 5.5 na porsyento noong quarter 2 hanggang 6.5 na porsyento noong quarter 3. Dahil dito, tumaas ang presyo ng kuryente (18.7% increase) gayundin ang pagkain gaya ng ng karne, bigas at mais, gulay, at asukal. Samantala, umakyat din ang core inflation sa 4.3 na porsyento noong quarter 3, na nangangahulugan ng pagtaas ng presyo ng iba pang consumer items.
Alamin ang kalagayan ng ekonomiya sa bansa sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Macroeconomic Prospects of the Philippines in 2022–2023: Steering through Global Headwinds” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/macroeconomic-prospects-of-the-philippines-in-2022-2023-steering-through-global-headwinds