If the Philippines wants to see improvements in the performance of learners, Senator Win Gatchalian stressed the need to address the prevalence of hunger and malnutrition among children.

Results of the 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) showed that 12% of 15-year-old learners in the Philippines reported coming to school without eating every day or every other day. PISA results also show that there is a negative correlation (-0.61) between hunger and mathematics performance. This means, hungry students are not able to perform well.

When asked how often they did not eat because there was not enough money to buy food, 3% said four to five times a week, 9% said two to three times a week, and 15% said about once a week.

Based on the Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute's (DOST-FNRI) data for 2021, 20% of children aged 5 to 10, the equivalent of 2.7 million, are stunted or have a low height for their age. The agency also reported that 2.8 million or 21% are underweight, while around 1 million or 7% are wasted.

"Kasabay ng pag-angat natin sa kalidad ng edukasyon ng mga kabataan ang pagtugon sa kanilang mga pangangailangan sa kalusugan at nutrisyon. Alam nating mahirap matuto ang batang gutom, kaya patuloy nating dapat hanapan ng iba't ibang paraan kung paano pangalagaan ang kalusugan ng ating mga mag-aaral," said Gatchalian, Chairperson of the Senate Committee on Basic Education.

The PISA study also emphasized how education systems can help students meet their nutrition needs. In Finland, for example, students are guaranteed free meals from pre-primary to upper secondary education. Ireland's School Meals Program, on the other hand, funds the provision of needs-based meals for students and children in schools and organizations.

Gatchalian earlier said he is eyeing to push for the implementation of a universal school program to address learners' nutrition woes. While Gatchalian admits that implementing this program would entail lots of resources, he maintained that he would continue looking for funds and other innovative ways to ensure that learners' nutrition needs are met.

To address stunting, which causes poorer performance in school, a 2023 discussion paper from the Philippine Institute for Development Studies (PIDS) pressed the need to address fragmentation and package a continuum of interventions on maternal nutrition, prenatal and postnatal care, diet of children 6-23 months old, and infant and young child feeding.

 

Gatchalian: Pagtugon sa gutom at malnutrisyon bahagi ng pag-angat ng estado ng edukasyon

Mahalagang tutukan ang mga isyu ng gutom at malnutrisyon kasabay ng pag-angat sa kalidad ng edukasyon sa bansa, ayon kay Senador Win Gatchalian.

Ayon kasi sa naging resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), 12% ng mga mag-aaral na labinlimang taong gulang sa Pilipinas ang iniulat na pumapasok sa paaralan nang hindi kumakain araw-araw o tuwing makalawa. Lumabas din sa naturang pag-aaral na may negative correlation (-0.61) sa pagitan ng gutom at performance sa mathematics. Ibig sabihin, hindi maayos ang performance ng mga batang gutom.

Nang tanungin ang mga mag-aaral kung gaano sila kadalas na hindi kumakain dahil sa kakulangan ng perang pambili ng pagkain, 3% ang nagsabing apat o limang beses sa isang linggo, 9% ang nagsabing dalawa o tatlong beses sa isang linggo, at 15% naman ang nagsabing isang beses sa isang linggo.

Batay sa datos ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute's (DOST-FNRI) sa taong 2021, 20% ng mga batang 5 hanggang 10 taong gulang o katumbas ng 2.7 milyon ang "stunted" o mababa para sa kanilang edad. Iniulat din ng ahensya na 2.8 milyon o 21% ang underweight, samantalang 1 milyon o 7% naman ang "wasted".

"Kasabay ng pag-angat natin sa kalidad ng edukasyon ng mga kabataan ang pagtugon sa kanilang mga pangangailangan sa kalusugan at nutrisyon. Alam nating mahirap matuto ang batang gutom, kaya patuloy nating dapat hanapan ng iba't ibang paraan kung paano pangalagaan ang kalusugan ng ating mga mag-aaral," ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Ibinahagi din ng ulat ng PISA ang ilang halimbawa kung paano makatutulong ang mga sistema ng edukasyon upang tugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral pagdating sa nutrisyon. Sa Finland, halimbawa, tinitiyak ang mga libreng pagkain mula pre-primary hanggang upper secondary education. Sa ilalim naman ng School Meals Program ng Ireland, may nakalaang pondo para sa mga kinakailangang pagkain para sa mga mag-aaral at mga bata sa mga paaralan at mga organisasyon.

Ayon kay Gatchalian, pangarap niya ang pagkakaroon ng universal school meal program upang tugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral pagdating sa nutrisyon. Bagama't aminado ang mambabatas na kakailanganin ng programang ito ang malaking pondo, magpapatuloy daw siya sa paghahanap ng pondo at iba pang mga paraan para matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa nutrisyon.

Upang matugunan ang stunting na nakakaapekto sa performance ng mga mag-aaral, iminungkahi ng isang 2023 discussion paper mula sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na tiyaking tuloy-tuloy ang mga programa para sa nutrisyon ng mga nanay, prenatal at postnatal care, nutrisyon ng mga batang 6-23 buwang gulang, at pagpapakain sa mga bata at sanggol.



Main Menu

Secondary Menu