Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa learning outcomes ng mga estudyanteng Pilipino.
Siyam sa sampung estudyanteng Pilipino ay ‘di pa kayang magbasa at umintindi ng simpleng teksto pagtungtong ng sampung taong gulang.
Ayon sa isang pag-aaral ng World Bank noong 2022, mababa at hindi pantay-pantay ang learning outcomes sa bansa. Dagdag pa rito, ang learning proficiency levels ng karamihan sa mga Pilipinong mag-aaral ay mas mababa sa minimum national at international standards.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: When Students Fail to Learn: Getting Education Governance and Finance Policies Right