Kumusta, ka-PIDS! Narito na ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa mga kababaihang manggagawa sa Boracay.
Ayon sa pag-aaral ng PIDS, maraming kababaihang nasa informal tourism sector ang walang kasiguruhan sa kita, benepisyo, at proteksyon.
Bagama't may mga asosasyon ng "informal workers" sa Boracay, marami pa rin ang walang access sa social security, PhilHealth, at iba pang benepisyo. Marami rin ang nahaharap sa seasonality ng kita, mahigpit na kompetisyon, at limitadong espasyo para sa kanilang negosyo. Dagdag pa rito, nakararanas sila ng harrassment at diskriminasyon sa kanilang trabaho.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Promoting Inclusivity in Boracay’s Informal Tourism Sector
Panoorin ang video rito.