Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo ukol sa natural capital ng Pilipinas.
Maliit lamang ang share o bahagi ng natural capital ng Pilipinas sa kabuuang yaman ng bansa.
Ang natural capital ay tumutukoy sa renewable at nonrenewable resources ng isang bansa na nagbibigay ng iba’t-ibang benepisyo sa mga mamamayan nito.
Base sa datos ng World Bank noong 2018, croplands o mga taniman ang may pinakamalaking share sa kabuuang natural capital ng bansa, habang unti-unti naman ang paglaki ng share ng industriya ng pagmimina at mga fossil fuel. Sa kabilang banda, lumiliit ang share ng mga mangrove o bakawan, na maiuugnay sa isyu ng encroachment at land conversion.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Looking at Payments for Ecosystems Services in the Philippines