Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa programang pang-agrikultura sa komunidad.
Dahil sa kabuhayang pang-agrikultura na hatid ng "From Arms to Farms" sa Kauswagan, Lanao del Norte, tumaas ang buwanang kita ng rebel returnees, sapat upang makapagpaaral ang kanilang mga anak at makalagpas sa poverty threshold ng pamilyang may limang miyembro.
Mahalagang maipagpatuloy ang mga magagandang epekto ng programang ito, kaya hinihimok ang pamahalaan na ipagpatuloy ang pagbibigay kakayahan at dunong ukol sa pagsasaka.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Promoting Food Security, Sustainable Livelihood, and Peace in Conflict-Ridden Communities