Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa programang pang-agrikultura sa mga komunidad na may suliraning pangkapayapaan.
Isang magandang epekto ng programang "From Arms to Farms" sa Kauswagan, Lanao del Norte, ay pagbubuklod ng mga komunidad at capacity-building para sa mga miyembro ng pamayanan, partikular sa pagsasaka. Dahil dito, nabigyan ng kabuhayan ang mga mamamayan, lalung-lalo na ang mga rebel returnees.
Upang mapaunlad at mapatagal ang mga magagandang epekto ng programang ito, kinakailangang lumikha ng mga polisiya at programang lulutas sa kahirapan at seguridad sa pagkain.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Promoting Food Security, Sustainable Livelihood, and Peace in Conflict-Ridden Communities